Thursday, July 26, 2007

Merlin

Another character sketch...

Wednesday, July 18, 2007

VALI
































A character sketch I did for a graphic novel.

This Viking warrior is "Vali," one of the sons of Odin, the chief Norse god. 

Thursday, July 12, 2007

To Draw or not to Draw Manga


Gaya nga ng sabi ko sa nauna kong article, magkakaroon ng pagbabago sa blog kong ito. Obvious naman siguro ang kaibahan pero inuna ko muna ang masthead at titulo nito.

"Komiks, artworks, dibuho atbp."

Sabay nito, "bilingual" na rin ang gagamitin kong medium para ma-accomodate din at tumugma sa mga susunod ko pang postings dito.

At para sa una kong article, gusto kong sumawsaw sa isyu ng pagdo-drowing ng Manga.


TO DRAW OR NOT TO DRAW MANGA

Hindi ako nagdo-drawing ng Manga, Japanese style comics o Anime pero nanonood ako nito. At dahil hindi ako nagdo-drawing nito ay hindi ibig sabihin ay ayaw ko na nito. Meron akong kopya ng ilan sa mga classics na anime gaya ng Akira at ako ay bilib na bilib sa pagkakagawa nito. Inaabangan ko dati sa TV ang Samurai X, Lupin etc. pero hindi ako nagdo-drawing ng mga taong dilat, maliliit ang ilong at mga bibig. Kapag minsan ay nagiging krus at spiral ang mata at nagsi-zigzag ang mga labi. May mga posters ako ng Ghost Fighter, Dragonball Z, Ranma 1/2, atbp, pero hindi ako nag-attempt na kopyahin man lang ang mga ito. May t-shirts ako ni Astroboy pero hindi niya ako fan. Nagkokolekta pa ako ng Hello Kitty, Little Twin Stars noong elementary ako, buti na lang at natigil kasi baka kung ano ang nangyari sa pagkatao ko.

Isa lang ang natatandaan kong madalas kong i-drowing noong bata ako, si Voltes V, Mazinger Z, UFO Grendaizer, si Ballatack, si Daimos ang paborito ko, ang mga tinatawag namang Mecha o transforming robots. Pero tao, na malaki mata, maliit ang labi at ilong… dehins!

Ang dino-drawing kong characters noon ay si Superman, si Batman, si Incredible Hulk, si Green Lantern, si Spiderman, si Mighty Thor, si Conan, si Zuma, si Darna, si Lapu-lapu at si Lam-Ang. Oo si Lam-Ang at kasama pa si Pilandok.



Bakit hind i ako nagdo-drawing ng Manga noon?

Noon, sa mura kong edad, hindi ko nararamdaman yung challenge sa pagdo-drawing ng line art. Mas gusto ko yung may rendering, may blacking, sang katerbang hagod at kutkot. Gusto ko mukhang tao talaga at hindi “alien.” Realistic rendition ng human anatomy ang gusto ko hindi distorted. Bagamat namulat akong sabay sa Komiks na gawang Pilipino at sa Manga o Anime, I preferred drawing Komiks. Miski alanganin ang mga foreshortening, hindi proportion ang katawan, doon ako natuto. Ang reference kong gawa ni Andrew Loomis ay bahagi na ng trabaho ko. Ang The Bible na dibuho ni Mang Nestor Redondo ang inspirasyon ko at ang tatay ko ang motivator ko na naging bahagi rin ng Komiks industry ng Pilipinas noon. Sa tatay ko rin una kong narinig na “mag-aral muna ako ng tamang proportion ng tao at madali na lang mag-‘cartoons’ later on.” Kapag alam mo na ang basic madali na lang mag-distort.


Subalit sa kalaunan, at sa hindi o inaasahan mang pagkakataon, dumating sa punto ng aking career bilang illustrator ang malagay sa gitna ng isang dillema. Isang sitwasyong hinarap at kinakaharap ng ilan din sa mga kasama nating dibuhista ngayon. Ito ang…

"To draw or not to draw, Manga.”

Nang maging part-owner at Art Director ako ng isang Publishing Company sa Pilipinas ay hindi ako nag-dalawang isip na tanggapin, mag-drawing at i-implement ang Manga style sa aming mga proyekto. Kuwestiyon na kasi ito ng demographics at siyempre ng sales, ng benta at kita. Elementary at secondary schools ang market namin late 1990’s ang mga panahong ito, ano ang aasahan mo? Mas may appeal sa mga bata ang mga cartoons na dilat ang mga mata, maliit ang ilong at labi, nakatayo ang mga buhok, na pati nga sila mismo ganun din ang mga itsura. Isa pa, may investment ka sa kumpanya, alangan namang pagsuotin mo ng baro’t saya ang babaing naka-bikining pulang kumukuyakoy sa puting kabayo. Hindi ka kikita.Ngayon, did I commit injustice sa kinalakihan kong style ng pagdo-drawing?

Sa tingin ko hindi. It’s just a matter of coming up with the right formula. May mga guidelines akong inimplement sa mga illustrators ko noon na ang underlying objective was to make their characters, although Manga style, Filipino as much as possible. Paano? I’ll share one major rule. “Kailangang lampas tuhod ang palda ng mga school girls,” miski kasing laki pa ng basketbol ang mga mata niyan. O, need I say more?

Sumabay ako sa mga batang apprentice ko noon sa pagdu-drawing ng Manga. Kung tutuusin nga mas may natutunan pa yata ako sa kanila. Samantala, habang gumuguhit ako noon ng mga taong malalaki ang mata ay doon ko na-recall ang mga pinapanood kong Anime noong bata ako. Ginamit ko ang mata ni Astroboy sa mga drawing ko at ang proportion ng katawan ni Hello Kitty para naman sa pre-school cartoon illustrations ko. At dahil sa demanding frequency ng aming mga publications noon, minaximize ko ang pagiging madali ng line art sa akin. I applied basic proportions sa mga adult characters ko tapos dahan-dahan kong binali-bali ang mga katawan nila. Voila! MANGA na!

Pera lang ba ang iniisip ko, that I’m willing to sacrifice my artistic ideology?

Hindi, pero kasama yon sa iniisip ko. ”Kung hindi ako kikita sa hanap-buhay ko hindi hanap-buhay ang tawag d'on kundi hanap-patay.” Kung gusto ko talagang i-practice ang pure sense ng comics art, gagawa ako nito pero hindi para ibenta at kumita, kundi just for my own satisfaction. Ang komiks na gawa ni Jose Rizal tungkol sa isang pagong at matsing ay magandang halimbawa ng Komiks art. Kung kaya sa ngayon, ang mga kasama nating Komiks illustrators na gumagawa ng Komiks na inilalathala sa Internet “for all the world to see,” ay isang modernong halimbawa ng Komiks art. Samantala ang trabahong gawa ko doon sa kumpanya ko dati ay Komiks illustration.

Ibig sabihin ba na ang Komiks art ay dapat not for profit para ma-consider as such?

Maaring sa isang banda ay hindi pero nasa puso na ito ng isang dibuhista. Kapag ang trabaho at sakripisyo niyang ibinuhos sa isang Komiks ay hindi na kayang tapatan ng bayad sa kanya... at “ginagawa niya na ito, for the love of his craft,” para sa akin, maaari na itong i-consider na Komiks art.

Idi-discuss ko na lang ng malawig ang difference ng Komiks art sa Komiks illustration sa susunod kong mga posts.

Hindi na ako nagdo-drawing ng Manga ngayon, pero once in my life as an artist nag-drawing ako at hindi ko pinagsisihan ang experience na ‘yon. Marami akong natutunan at natulungan.

Ngayon, kung tatanungin ako, kung magdo-drawing pa ako ng Manga, ang sagot ko, bakit hindi? Trabaho lang naman ito, walang personalan…

Thursday, July 05, 2007

Carpe Diem

I remember that I put up this blog just for my colleagues to know more about me and my interests in art, particularly comics art. And now that it's been up for more than a year, I don't know if it even served the purpose. Well maybe yes, in a way. This site would not appear on some of my friends' blog links for nothing, right?

However, some developments in the Filipino Komiks industry prompted me to add a new mission and I find this blog as a fitting venue for it and I guess my timing is somewhat perfect. So..., for sure there'll be changes here and I hope those add-ons will help me meet my objectives soon.

For now, let me close this with a sketch of one of my favorite characters from a pitch I'm doing with my friends from California.