Isang napakalaking karanasan para sa akin na sa edad kong ito ay inabot ko pa rin ang mga mahuhusay nating dibuhista sa Komiks ng nakaraang tatlong dekada. Sa message board ng GuhitPinoy (Drawing Board), ay mapalad ko silang nakakadaupang palad, o sabihin nating nakakahuntahan sa pamamagitan ng Internet. Maliban sa nakapagpapalitan kami ng kuru-kuro at komento ay nagagawa din naming magpakitaan ng mga dibuho, drawing, painting atbp. At isa nga sa kahanga-hangang feature nito ay nakakapag-kolaborasyon kami ng mga gawa.
Simula ng ako ay bumili ng Pen Tablet ay nahumaling ako sa pagkukulay digitally sa Photoshop, at dito nga sa blog kong ito ay nai-post ko na ang ilan sa mga katas ng kakaibang teknolohiyang ito. Masasabi kong nabawi ko na ang pinambili ko ng art gadget na ito at higit pa.
Subalit, higit sa financial blessings na naibalik sa akin nito, ay iba pa rin talaga ang sayang naidudulot ng acknowledgment at papuring ipinararating ng kapwa mo artist, lalo na kung ang mga ito ay yaong mga taong hinahangaan mo pa. Ilan sa mga nagkaroon ako ng pagkakataong magalaw at makulayan ang mga obra ay ang mga beteranong sina Sonny Delos Santos at Val Pabulos na mga kasama rin namin sa grupong GuhitPinoy. Sa kanilang pahintulot ay binigyan ko ng kulay at buhay ang tig-isa nilang gawa na parehong may makaluma at classic na tema.
I tried hard to preserve the richness of strokes that these two veteran illustrators executed in their artworks. After all it is their illustration that is central to this piece. The colors I applied are just to set and add the mood. I am an advocate of the principle that coloring an art piece, especially comics illustration is to compliment and not to steal the limelight from it. I have seen several DC and Marvel comics that fell into this trap of digital coloring. Maybe they were so engrossed by the power of this technology that they forgot who's really behind the artwork.
I hope I did justice to the awesome works of these two respected komiks illustrators.
"I went, shared, gave my all, then left with nothing but fun."
"THE SINNERS"
Line art-Sonny Delos Santos
Colors-Myke Turda. Photoshop CS2_Pen Tablet

"THE BARBARIAN"
Line Art-Val Pabulos
Colors-Myke Turda. Photoshop CS2_Pen Tablet




